Ilabas na ang payong! Tropical depression sa loob ng PAR, namataan ng PAGASA

Naging tropical depression na ang isang LPA sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) bandang Central Luzon, ayon sa PAGASA, kaya't asahan na ang pag-ulan sa mga susunod na araw.

Asahang magiging maulan ang mga susunod na araw, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), matapos maging ganap na tropical depression na ang Low-Pressure Area (LPA) na unang namataan sa silangan ng Central Luzon.

Batay sa ulat ng PAGASA nitong Biyernes, Setyembre 29, naging tropical depression ang nasabing LPA bandang alas-dos ng hapon. Ito ang ika-10 na tropical depression na tatami sa bansa, at pinangalanan itong “Jenny.” Si Jenny rin ang ikalawang tropical depression na namataan ng PAGASA ngayong Setyembre.

Maglalabas ang PAGASA ng mga kaukulang update tungkol kay Jenny sa mga susunod na araw.