Ikaw muna bahala, Ma’am: Secretary Bautista, nagtalaga ng OIC sa LTFRB habang suspindido si Guadiz

May pansamantalang mamamahala sa LTFRB matapos italaga ni Transportation Secretary Jaime Bautista si Atty. Mercy Leynes bilang officer in charge sa ahensiya, kasunod ng pagsuspinde kay LTFRB chair Teofilo Guadiz III dahil sa alegasyon ng korupsiyon.

Matapos suspendihin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chair Teofilo Guadiz III, itinalaga naman ni Transportation Secretary Jaime Bautista si Atty. Mercy Leynes bilang officer in charge sa ahensiya.

“As such, she shall perform and discharge all the functions and responsibilities of the office, unless otherwise earlier amended or superseded,” sabi ni Bautista sa isang special order na inilabas ng Department of Transportation.

Si Leynes, na dati nang kabilang sa LTFRB board ay magsisilbing OIC ng LTFRB hanggang wala pang resolusyon sa kaso ni Guadiz, na agad sinuspindi ng pangulo dahil sa mga alegasyon ng korupsiyon.

Pinagpapaliwanag na rin ni Bautista si Guadiz ukol sa mga paratang sa kaniya.