Ikatlong linggo ng taas presyo sa produktong petrolyo, lalarga bukas

Abiso sa mga motorista!

Abiso sa mga motorista!

Lalarga na bukas ang panibagong round ng taas-presyo sa produktong petrolyo.

Sa abiso ng mga oil companies, magtataas ng 65 centavos ang kada litro ng diesel.

35 centavos naman ang itataas ng kada litro ng kerosene.

Habang halos piso o 95 centavos ang itataas ng gasoline.

Ito na ang ikatlong linggong sunod na price hike sa oil products.