Ikalawang palapag ng simbahan sa SJDM bumagsak; 1 patay, 52 sugatan

Nauwi sa trahedya ang pagsisimba ng mga tao sa St. Peter the Apostle Church in San Jose del Monte, Bulacan miyerkules ng umaga.

Dumagsa sa simbahan ang mga katoliko para sa Ash Wednesday.

Ginugunita ang Ash Wednesday bilang hudyat ng pagsisimula ng Lenten Season o Cuaresma ng simbahang katolika.

Alas-5:00 ng umaga ay nagsimula ang misa gaya sa Quiapo Church sa Maynila hanggang alas-11:00 ng umaga.

Nagkaroon din ng misa sa hapon sa alas-12:00 ng tanghali at sa alas-3:00 ng hapon hanggang alas-7:00e ng gabi.

Samantala, nauwi naman sa trahedya ang pagsisimba ng mga tao sa St. Peter the Apostle Church sa Barangay Tungkong Mangga, San Jose del Monte City sa Bulacan miyerkules ng umaga.

Kasunod ito ng pagguho ng ikalawang palapag ng simbahan habang ginaganap ang misa bandang alas-7:00 ng umaga.

May isa na ang nasawi sa pangyayari at hindi bababa sa 52 ang nasaktan.

Ayon sa Parish priest na si Fr. Romulo Perez bumigay ang bahagi ng ikalawang palapag na gawa sa kahoy at maaring humina na dahil kinain na ng anay.