Iiwang legislative backlogs ni Zubiri, 2 yrs bago matapos!

Umabot sa 214 ang nakabinbing mga resolusyon para sa National Level at 519 naman sa Local Level, ang naiwan ni dating senate president Juan Miguel Zubiri na tinatayang aabutin ng dalawang tao bago matapos ng pamunuan ni ngayong Senate President Francis "Chiz" Escudero.

Umabot sa 214 ang nakabinbing mga resolusyon para sa National Level at 519 naman sa Local Level, ang naiwan ni dating senate president Juan Miguel Zubiri na tinatayang aabutin ng dalawang tao bago matapos ng pamunuan ni ngayong Senate President Francis “Chiz” Escudero.

Sa ilalim ng pamumuno ni Zubiri sa Senado, tanging 23 sa 59 na mga panukalang batas na LEDAC-certified ang natapos, na 50% mas kaunti kaysa sa 57/59 LEDAC-certified measure finish ni House Speaker Martin G. Romualdez sa Kamara.

Ang mga panukalang batas sa ilalim ng Legislative-Executive Development Advisory Council o LEDAC ay ang mga batas na binigyang prioridad ng Kongreso upang maipasa ng kasalukuyang administrasyon.

Pinagkasunduan ng senate president at ng iba pang mga kinatawan ng Senado na tapusin ang mga LEDAC-certified measures sa itinakdang panahon o deadline.

Inaasahan si bagong Senate President Chiz Escudero na matapos ang mga iniwang gawain ni Zubiri sa loob ng dalawang taon.