Ihanda nang lahat ng pampalamig! Marso–Mayo, maaaring maging isa sa pinakamainit sa kasaysayan

Dahil sa sobrang, maaaring umabot sa 40°C ang temperature sa ibang mga lugar, gaya ng Cagayan Valley. Magiging mataas rin ang heat index—o ang init na nararamdaman ng isang indibidwal.

Nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na maaaring maging napakainit sa mga buwan ng Marso, Abril, at Mayo dahil sa pinagsamang epekto ng tag-init at El Niño.

“There’s a possibility that March, April, and May—which we call warm and dry season months—could be one of the warmest in our record. Historically, we record warmer temperatures during years with prevailing El Niño,” saad ni Ana Liza Solis ng PAGASA sa isang televised briefing.

Dahil dito, maaari aniyang umabot sa 40°C ang temperature sa ibang mga lugar, gaya ng Cagayan Valley. Magiging mataas rin ang heat index—o ang init na nararamdaman ng isang indibidwal.

Iyan ay bukod pa sa mas kaunting ulan na inaasahan ng PAGASA ngayong taon dahil na rin sa El Niño. Sa katunayan, 13–19 na bagyo lamang ang inaasahan ng ahensiya na tatama sa bansa kumpara sa 19–20 taun-taon.