Ihanda na ang mga frame! Pag-print ng driver’s license cards, ipinatitigil ng korte

Tila maaantala nanaman ang printing ng driver's license dahil ayaw patalo ng Allcards Inc., na una nang na-disqualify sa bidding para sa plastic cards na gagamitin sana para sa pag-imprenta ng mga lisensya.

Maaaring matigil muli ang printing ng PVC driver’s license cards matapos magbaba ng Writ of Preliminary Injunction ang Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) sa procurement ng plastic cards na ginagamit sa driver’s license.

Sa pagbaba nito ng Writ of Preliminary Injunction, pinaboran ng QCRTC ang argumento ng Allcards Inc. na hindi ito ng due process dahil na-disqualify ang kumpanya sa isinagawang bidding.

Dahil dito ay nagsama ang Allcards Inc. ng kaso laban sa Department of Transportation (DTI), Land Transportation Office (LTO), at Banner Plasticard Inc., na siyang nanalo sa nasabing bidding.

Nauna nang nagbaba noong Agosto ang QCRTC ng 20 araw na Temporary Restraining Order (TRO) na pabor rin sa Allcards kung kaya’t na antala nanaman ang delivery ng mga plastic cards na gagamitin sana sa mga driver’s license.

Natuloy rin ang delivery nang matapos ang TRO at nagsimula nang muli ang printing ng mga driver’s license simula nitong Oktubre.