ICC inilarga na hakbang vs Duterte – Trillanes

Isiniwalat ni dating senador Antonio Trillanes IV na nakipag-ugnayan na ang International Criminal Court (ICC) sa 50 na pulis at mga dating pulis upang siyasatin ang drug war ni ex-president Rodrigo Duterte.

Isiniwalat ni dating senador Antonio Trillanes IV na nakipag-ugnayan na ang International Criminal Court (ICC) sa 50 na pulis at mga dating pulis upang siyasatin ang drug war ni ex-president Rodrigo Duterte.

Sa kanyang social media post, sinabi ni Trillanes na nalaman niya ang naturang balita mula sa isang mapagkakatiwalaang impormasyon.

“Based on highly credible information, the ICC investigators have already directly communicated with more than 50 active and former PNP officials regarding their being implicated in the crimes against humanity case of Rodrigo Duterte at the ICC,” wika ng dating senador.

Ayon kay Trillanes, kung hindi makikipagtulungan sa ICC ang 50 parak at mga dating parak, sila ay ituturing na mga suspek.

“This means that if they do not immediately signify their intention to cooperate with the investigators, their status would be elevated to being suspects and, therefore, would result to travel restrictions initially and eventually arrest via Interpol,” dagdag pa ng dating mambabatas.

Si Trillanes ay kilalang kritiko ni Duterte.

Samantala, ilang beses nang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi niya kinikilala ang imbestigasyon ng ICC sa drug war ng Duterte administrasyon.