ICC arrest warrant kay Duterte kasado na sa Hunyo – Trillanes

Naniniwala si former senator Antonio Trillanes IV na pagsapit ng Hunyo ay lalabas na ang warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC) para dakpin si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Naniniwala si former senator Antonio Trillanes IV na pagsapit ng Hunyo ay lalabas na ang warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC) para dakpin si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“Itong nasa stage na ‘yung ICC investigation na patapos na at baka magre-request na sila ng warrant,” saad ni Trillanes. “Kaya ine-expect natin ito mga June at kung mag-spill over man to July ‘yung warrant.”

Ayon sa dating mambabatas, nanggaling ang impormasyon sa kanyang mga source na alam ang galaw ng Office of the Prosecutor ng ICC.

Lahad pa ni Trillanes, hindi lang umano si Digong ang aarestuhin ng ICC.

Kasama umano sa dadakpin ay sina Senador Bong Go, Ronald ‘Bato’ dela Rosa, at Vice President Sara Duterte.

Huhulihin din umano ang ilang PNP officials kasama ang ilang dating miyembro ng administrasyong Duterte.

Patuloy ang imbestigasyon ng ICC sa madugong war on drugs ni Duterte, kung saan abot sa 6,000 suspek ang nasawi na umano’y sangkot sa iligal na droga.