Ibaba ang antas ng inflation! Libreng sakay sa jeep, bus, kasado na sa Nobyembre—LTFRB

Makukuha ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pondong nagkakahalaga ng P1.3 bilyon, na gagamitin nito pambayad sa mga lalahok na pampublikong sasakyan sa

Ibabalik ang Libreng Sakay na programa ng gobyerno para sa mga jeep at bus simula Nobyembre ngayong taon, ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni LTFRB chair Teofilo Guadiz III na pinoproseso na ang mga dokumento upang ibaba ang pondo sa ahensya, na gagamitin para sa programa.

“Itong buwan na ito ilalabas namin ang pera. Ibabalik po natin ang Libreng Sakay. Uunahin po natin ang Metro Manila, kasama po ang mga jeepneys,” ani Guadiz sa panayam sa media Lunes, Oktubre 9.

Tatagal hanggang sa katapusan ng taon ang programa, na may pondo na nagkakahalaga ng P1.3 bilyon, dagdag pa ng opisyal.

“Iyong P1.3 billion tapos na po iyong joint memorandum circular. Ibaba na po ang pera. Alam mo ang hinahabol namin doon November-December para maagang pamaskong handog ng LTFRB,” ayon kay Guadiz.