Iba magmahal ang Pinoy: ‘Anghel’ na OFW, pinuri sa kabayanihan, dedikasyon sa gitna ng peligro sa Israel

Ipinakita ng Pilipinang caregiver na si Camille Jesalva kung bakit mataas ang tingin ng mga banyaga sa mga caregiver mula sa Pilipinas.

Usap-usapan ngayon ang kabayanihan ng isang overseas Filipino worker (OFW) na namalagi sa Israel sa gitna na karahasan doon.

Dahil ito sa ipinakita ng caregiver na si Camille Jesalva, 31, ang pagmamahal ng isang Pinoy nang agad-agad niyang ibinigay ang kaniyang naipong pera at smartphone sa mga miyembro ng militanteng Hamas upang pabayaan na lamang siya at ang kaniyang inaalagaan na si Nitza Hefetz, isang 95-anyos na senior citizen.

Kwento ni media analyst Emmanuel Miller sa X (dating Twitter), sumalakay ang ilang miyembro ng Hamas sa kibbutz o komunidad kung saan nakatira sina Jesalva at Hefetz.

Isa-isang pinasok ng mga militante ang mga bahay, ani Miller, hanggang mapasok nila ang tirahan ng dalawa.

Dito na ibinigay ng Pilipinang caregiver ang kaniyang ipon at smartphone, na umaasang hahayaan na lamang sila.

“Unbelievably, that’s exactly what happened. The terrorists took the money and went away,” sabi ni Miller. Na-rescue naman ang dalawa tatlong oras makalipas ang insidente.

Ang naturang pera pala ay ipon ni Jesalva, na nagpaplanong umuwi ng Pilipinas.

Ayon naman sa The Times of Israel, tinawag na anghel ng anak ni Hefetz na si Yael Arieli ang Pilipinang nagligtas at nag-alaga sa kaniyang ina.

“The story has touched thousands of Israelis, who deeply appreciate the kindness and humanity of a person caught up in an awful situation that has little to do with them, yet decided to make the choice to act with true love,” dagdag pa ni Miller.

“During WWII Filipinos made extraordinary sacrifices in the American war effort. They suffered greatly and were highly respected by the fighting men of the American armed forces. My Dad fought in the Pacific and always held the courageous Filipinos in the highest regard,” ani James Woods, executive producer ng blockbuster na pelikulang “Oppenheimer.