Iba ka, Siargao! PBBM, hinimok ang mga Siargaonon na gawing mas eco-friendly ang tanyag na isla

Tanyag ang Siargao Island bilang surfing capital ng Pilipinas at isa ito sa Top Islands in Asia batay sa Condé Nast 2023 Traveler’s Readers’ Choice Awards.

Pinaalalahanan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga Siargaonon at pati na ring ang mga turistang bumibisita ang kahalagahan ng mga eco-friendly practices upang mapanatili ang kagandahan at kalinisan ng Siargao Island.

“As we embark on this new chapter, I enjoin everyone to promote surfing and adopt eco-friendly practices that will help us protect and conserve our environment,” sabi ni Marcos sa kaniyang talumpati na binasa na kanyang anak na si Vinny Marcos sa pagbubukas ng ika-27 Siargao International Surfing Cup na ginanap sa Cloud 9, General Luna, Siargao.

Pinuri rin niyan ang aniya’y fighting spirit ng mga Siargaonon, na patuloy na lumalaban sa harap ng mga krisis at kalamidad gaya ng bagyo.

“Let me further emphasize that this competition also reinforces the indomitable spirit of the people of Siargao. Considering the devastating effects of the COVID-19 pandemic and Super Typhoon Odette on the Island, I am truly moved by your efforts to bounce back and move forward through your festivities,” ani Marcos.

Kaugnay nito, hinimok niya ang mga Siargaonon na ipagpatuloy ang pagsulong sa Siargao bilang tourist destination at siguraduhing eco-friendly ang lahat ng mga aktibidad nito sa isla.

Ang Siargao ay kilala bilang surfing capital ng Pilipinas at isa sa Top Islands in Asia batay sa Condé Nast 2023 Traveler’s Readers’ Choice Awards.