Iba ka, Mr. President! Nakuhang investments ni PBBM sa Saudi Arabia, ‘monumental achievement’ ng administrasyon—Romualdez

Pinapurihan ni House Speaker Martin Romualdez ang matagumpay na foreign trip ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Saudi Arabia, kung saan nakakuha ito ng bilyong-halaga ng mga investments na makakatulong ng malaki para pagandahin ang ekonomiya ng bansa.

Halagang $4.26 bilyong investments ang nasungkit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. mula sa mga negosyante sa Saudi Arabia sa katatapos lang nitong foreign trip sa nasabing bansa, at ito ay pinapurihan ni House Speaker Martin Romualdez dahil malaking tulong ito sa Pilipinas.

The signing of these agreements which promises a far-reaching impact on the Philippine economy and on the lives of our workers is a monumental achievement of President Marcos,” saad ni Romualdez sa isang pahayag ni ipinadala niya sa mga reporter sa Maynila.

Kasama si Romualdez sa lakad ni Marcos sa Riyadh, at ang mga investments aniya na nakuha ng Pilipinas ay makatutulong sa halos 15,000 Pilipinong naghahanap trabaho, partikular na sa human resources at construction.

“In a time when job creation and economic growth are paramount, this achievement will provide invaluable opportunities for our workforce, particularly for our overseas Filipino workers,” dagdag ng Speaker.

“As these agreements come to fruition, the House of Representatives will remain steadfast in its support of the administration’s initiatives to ensure that the benefits are felt by all Filipinos.”

Ayon din kay Romualdez, pinagpapatuloy lamang ng gobyerno ang misyon nitong pagandahin ang buhay ng mga Pilipino.