Ian Veneracion ‘proud father’ sa lesbian na anak

Proud father si Ian Veneracion sa kanyang anak na si Deirdre, na isang parte ng LGBQTIA community.

Proud father si Ian Veneracion sa kanyang anak na si Deirdre, na isang parte ng LGBQTIA community.

Sa Instagram, ibinahagi ng aktor ang larawan ng kanyang anak na tampok sa isang magazine, bilang bahagi ng pagdiriwang sa pride month.

Aniya, dapat umanong respetuhin ang mga bahagi ng naturang komunidad dahil sa kanilang malasakit, tapang, at integridad.

“Seriously, let’s all just cut the bullshit. People should be honored and respected for their compassion, courage, and integrity—not for the choices they make in the privacy of their bedrooms,” caption ni Ian.

Dito, sinabi rin ni Ian kung gaano siya ka-proud sa kanyang anak: “Proud of my daughter for embodying these values. Who she loves is her business. -Proud Daddy.”

TIGNAN: