‘I still hold her in high regard:’ Romualdez, kaibigan pa rin ang turing kay VP Sara

Bagaman tila hindi na magkasundo, kaibigan pa rin ang turing ni House Speaker Martin Romualdez kay Vice President Sara Duterte.

Diretsahang sinabi House Speaker Martin Romualdez na kaibigan pa rin niya si Bise Presidente Sara Duterte kahit pa tila nagkaroon na hindi pagkakaunawaan ang dalawa ngayong taon.

“I look at her as a friend and as my Vice President and as a secretary of education and yes, yes I do,” saad ni Romualdez nang tanunging sa isang programa sa telebisyon nitong Martes, Disyembre 19, kung magkaibigan pa sila ng ikalawang pangulo.

Bukod diyan, mataas pa rin daw ang pagtingin niya rito.

“I respect the vice president and also the secretary of education I respect her as a person and the office I still hold her in high regard,” aniya.

Kaugnay niyan, muling itinanggi ni Romualdez na may nakakasang impeachment laban kay Duterte sa muling pagbubukas ng Kamara sa Enero.

“Wala kaming plano po saka wala pang nakalatag na ano, complaint kaya wala pong… bakit naman ginagawan ng isyu?” saad niya sa parehong panayam.

Muling ipagpapatuloy ang sesyon ang Kongreso sa Enero 22, 2024.