I-modernize rin ang ugali ng drayber! Jeep na may nakagitgitan umano, sumalpok sa puno; 16 na pasahero sugatan

Ayon sa drayber ng jeep, may nakagitgitan siya sa daan at may tumama diumano sa gilid nito kaya napakabig ito. Dito na umano sumalpok sa puno ang kaniyang minamanehong jeep.

Sugatan ang 16 na pasahero ng isang jeep na bumangga sa isang puno sa Angono, Rizal nitong Martes ng gabi, Disyembre 26, dakong 8:00 p.m.

Batay sa paunang imbestigasyon at sa salaysay na rin ng drayber ng jeep, byaheng Binangonan ito nang mangyari ang insidente. Ayon sa kaniya, may nakagitgitan siya sa daan at may tumama diumano sa gilid nito. Dito na napakabig ang drayber na naging sanhi naman nang pagkakabangga nito sa puno.

BASAHIN RIN: Aksidente na naman sa daan! 6 patay, 4, sugatan sa salpukan ng tricycle at bus sa Calbayog City

Nagtamo ng mga minor injuries ang 13 sa 16 na pasahero, na may apat na menor de edad rin. Isa sa kanila ang nasugatan sa mata. May isang pasahero rin ang nawalan ng malay.

Makakaharap ang drayber ng jeep sa reklamong reckless imprudence resulting in multiple physical injuries.