I hate drugs talaga! P24-B halaga ng droga, nakumpiska ng PDEA simula ng PBBM admin

Inaresto rin ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang 61,269 na suspek sa ikinasa nitong 44,338 na operasyon kontra iligal na droga simula nang manungkulan ni President Ferdinand R. Marcos Jr.

Umabot na sa halos P24 bilyon ang halaga ng droga na nasamsam ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) simula nang manungkulan ni President Ferdinand R. Marcos Jr.

Ayon sa ulat ng PDEA, may 61,269 na suspek na silang naaresto, kabilang ang 4,174 high-value targets sa 44,338 anti-illegal drugs operations mula Hulyo 1, 2022 hanggang Agosto 31, 2023.

Kasama sa mga na-recover ng PDEA ang higit sa 3,000 kilo ng shabu, 25.78 kilo ng cocaine, 43,940 pirasong ecstasy tablets, at 2,793.93 kilo ng marijuana.

Binuwag rin ng PDEA ang 638 na drug den, at isang tagong shabu laboratory sa loob ng panahong nabanggit.

Mula sa 42,046 na barangay, nilinis na at na-deklarang drug-free ng PDEA ang 27,748 na banrangay, habang may natitira pang 7,785 na barangay na apektado pa rin ng droga.

Binigyan ng sertipikasyon ng PDEA ang mga barangay na nalinis na sa droga.