I-biyahe na siguro yung suspek! Dalagita, paulit-ulit umanong ginahasa ng sarili nitong tiyuhin sa Mangaldan, Pangasinan

Inireklamo ang isang 52-anyos na lalaki sa Mangaldan, Pangasinan dahil sa panggagahasa diumano nang paulit-ulit sa sarili nitong pamangkin na 15-anyos pa lamang.

Inireklamo ang isang 52-anyos na lalaki sa Mangaldan, Pangasinan dahil sa panggagahasa diumano nang paulit-ulit sa sarili nitong pamangkin na 15-anyos pa lamang.

Ayon sa mga ulat, unang hinalay ng suspek ang biktima noong Oktubre 2023.

Kwento ng dalagita, sapilitan siyang sinama ng suspek sa isang liblib na lugar. Dito na niya pinagbantaang papatayin ang babae kung papalag ito.

“Bumulong siya sa akin na kapag hindi ako sasama, papatayin niya ako kaya sumama ako. Tapos dinala niya ako sa damuhan… pagkatapos niya akong galawin, binibigyan niya ako ng pera,” kwento ng biktima.

Pero hindi lang iyon ang unang beses na ginawa ng lalaki ang kahalayan, ayon na rin sa biktima.

Kanya naman dali-daling nagpunta sa presinto para magreklamo ang nanay ng dalagita nang malaman nito ang pananamantala ng suspek.

Bwelta ng lalaki, magkarelasyon sila ng kaniyang pamangkin simula pa noong Oktubre 2023 at wala umanong nangyari sa kanila.

“Relasyon namin dalawa ay since October pa. Halos lahat ng kinikita ko napupunta sa kanya… walang nangyari [sa amin],” sabi pa niya.

Mariin itong itinanggi ng biktima, na sasailalim na sa medico-legal examination.