I-biyahe na natin yan, ser! Lalaking dalawang beses nagpakalat ng maseselang larawan at video ng dating nobya, arestado

Ayon sa salaysay ng biktimay, dalawang beses ito ginawa ng lalaki. Una aniyang pinasahan ng mga pribadong larawan at video ang kaniyang pamilya ng maghiwalay sila. Gayunpaman ay nakipagbalikan pa rin siya.

Hindi na nakapalag pa ang isang lalaki nang arestuhin siya ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Anti-Cybercrime Group (ACG) dahil sa pagpapakalat diumano ng mga maseselang larawan at video ng dati nitong kasintahan.

Ayon sa salaysay ng biktima na hindi na tinukoy, dalawang beses ito ginawa ng lalaki. Una aniyang pinasahan ng mga pribadong larawan at video ang kaniyang pamilya ng maghiwalay sila. Gayunpaman ay nakipagbalikan pa rin ang babae.

Nang makipaghiwalay naman uli ito nitong Disyembre ay sa kaibagan naman niya ipinadala ng lalaki ang mga maseselang litrato at video.

“Mabuti sana [kung] pictures na wala ang mukha ko, pati video eh. Buti sana kung isa lang, ang dami. Sobrang pag-aapak na ginawa niya, pagkababae ko sobrang ubos na,” sabi ng babae, na hindi na nakapagtimpi pa at nagreklamo na sa pulisya.

Dito na ikinasa ng PNP-ACG ang entrapment operation laban sa lalaki, na nakakaharap sa kasong paglabag sa Anti-Photo and Video Voyeurism Act at Grave Coercion.