Huy, magbayad kayo, ha? BIR pinaalalahanan ang mga kandidato sa BSKE na magbayad ng buwis

Lahat ng donasyon na matatanggap ng kandidato—pera man o in kind—ay may kaakibat na buwis, ayon sa Bureau of Internal Revenue (BIR).

Pinaalalahanan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga kandidato sa barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) na i-settle na ang kanilang mga tax obligations, kung meron man.

Nakasaad ang mga naturang paalala sa isang memorandum circular na ibinaba ni BIR Commissioner Romeo Lumagui.

Batay sa naturang dokumento, dapat magbayad ng withholding tax ang mga kandidatong:

• May business o pinagkakakitaan

• Bumili ng mga goods at services para sa kampanya at halalan

• Tumanggap ng mga donasyon at campaign contributions

Paglilinaw ng BIR, mayroong tax obligations rin maging ang mga contributions in kind.

Dagdag pa ng ahensiya, dapat may updated record of contributions, donations, and expenditures ang mga kandidato, na siya naman itu-turn over sa Commission on Elections (Comelec).

Gaganapin ang BSKE sa Oktubre 30. Ayon sa Comelec, pagtatalunan ng mahigit-kumulang dalawang milyong kandidato ang halos 600,000 na posisyon.