Huwag naman po sana, Lord: 1 pata sa Israel, tinutukoy pa kung Pinoy – PH Embassy

Sumasailalim sa DNA testing ang ikatlong bangkay upang matukoy ang pagkakakilanlan nito, ayon sa Department of Foreign Affairs.

Kinukumpirma pa ng Embahada ng Pilipinas sa Israel ang ulat na may isa pang Pilipino ang maaaring napatay sa patuloy na pag-atake ng teroristang Hamas sa Israel.

Kasalukuyang ginagawa pa ang DNA testing sa bangkay, ayon kay Deputy Chief of Mission Anthony Mandap.

Sinabi pa ni Mandap na sa kasalukuyan, dalawang Pilipino pa rin ang kumpirmadong patay, habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng ikatlong bangkay.

Samantala, mayroon nang 26 na Pilipino ang nai-ligtas mula sa karahasan habang may nawawala pang tatlo, ayon kay Vice Consul Patricia Narajos.

“There are still three missing and 26 having rescued so far. There is one injured person, recovering po siya ngayon [who is now recovering] at the hospital. He’s doing well and underwent surgery and he’s fine,” ayon kay Narajos sa isang pulong balitaan.

Ayon kay Philippine Ambassador to Israel Pedro Laylo Jr., personal na kakausapin ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga kaanak ng biktima upang makiramay sa kanila.

Sinabi pa ng embahada na ang mga namatay ay isang 33-anyos na babae mula Pangasinan na nagtatrabaho na sa Israel ng anim na taon, at isang 42-anyos na lalaki mula Pampanga.

Hiniling ng mga pamilya ng biktima na huwag na i-anunsyo ang pagkakakilanlan ng nila.