Huwag mong subukan! Higit 30 empleyado ng Davao City Hall, positibo sa drug test

Ikinabigla ni House Committee on Dangerous Drugs chairperson at Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na nasa 37 na empleyado ng Public Safety and Security Office ng Davao City ang nagpositibo sa drug test.

Ikinabigla ni House Committee on Dangerous Drugs chairperson at Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na nasa 37 na empleyado ng Public Safety and Security Office ng Davao City ang nagpositibo sa drug test.

Ayon kay Barbers, ipinapakita lang nito na walang takot ang mga sindikato ng droga na ipakitang kaya nilang maglagay ng suhol sa sistema ng bansa.

Dahil dito, nanawagan ito na magkaisa upang masugpo ang problema sa droga.

“Even Davao City where the number one enemy of illegal drugs resides was not spared. This shows us that the problem is indeed serious and the solution is not a walk in the park. We have to take a whole of the nation approach and everyone’s help is encouraged. This bold display of arrogance by these drug syndicates is indicative of their mistaken confidence that they can bribe their way in and out of our system,” ani Barbers.

Kaya pangako ni Barbers, ipapaabot niya ang lahat ng tulong kay Davao City Mayor Sebastian Duterte para maitigil ang mas lalong pagdami ng gumagamit ng iligal na droga sa naturang lugar.

“As Chairman of the House Committee on Dangerous Drugs, I call on the PNP and PDEA to deeply get involved and eradicate the source of the illegal drugs in Davao City. Spare no one and leave no stone unturned in getting to the bottom of this mess,” saad pa ni Barbers.