Huwag kasi takaw-away sa inuman! Lalaking lango diumano, patay sa kuyog matapos maghamon

Batay sa imbestigasyon, mag-isang umiinom ang biktima nang magsisigaw at maghamon ng away. Sa kasamaan palad para sa kaniya, pinatulan siya ng isang grupo ng kalalakihan, na kumuyog sa kaniya sa labas ng restobar.

Patay ang isang lalaki dahil sa matinding bugbog sa isang restobar sa San Carlos, Pangasinan.

Batay sa imbestigasyon, lasing ang naturang lalaki nang magsimulang maghamon ng away sa iniinuman nitong restobar.

Maya-maya pa, nakita sa CCTV na lumabas ang biktima at ang ilang lalaki.

Mga ilang minuto pa, pagkatapos tila mag-usap-usap ang mga kalalakihan, isa rito ang sumapak sa biktima. Sa lakas ng sapak, natumba ito, at dito na siya kinuyog.

Kita rin sa CCTV na tuloy-tuloy na pananapak ng ibang mga kalalakihan kahit pa nakatumba na ang biktima, na naisugod naman sa ospital. Dito na siya binawian ng buhay.

Samantala, dalawa sa grupo ng kalalakihan ang naaresto ng mga awtoridad. Tumangging magbigay ng pahayag ang mga suspek.