Hulyo 17 idineklara bilang National CPR Day

Pinroklama ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang Hulyo 17 ng bawat taon bilang National Cardiopulmonary Resuscitation (CPR) Day.

Pinroklama ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang Hulyo 17 ng bawat taon bilang National Cardiopulmonary Resuscitation (CPR) Day.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), layunin ng proklamasyon na ipalaganap sa mga Pilipino ang kahalagahan ng CPR.

Sa ilalim ng Proclamation No. 511 na pinirmahan ni Marcos noong Marso 27, itinuturing ang CPR bilang isang mahalagang teknik sa pagsagip ng buhay lalo’t kung may inatake sa puso o nalunod.

“There is a need to instill and continuously promote health consciousness among Filipinos by equipping them with the necessary information, knowledge, behavior, and skills to respond to health emergencies, including bringing CPR in every home as an emergency procedure,” saad ng pangulo sa naturang proklamasyon.

Ang Department of Health (DOH) ang siyang mangunguna sa implementasyon ng Proclamation No. 511.