Huling paalala na ‘to, ha? Pagsumite ng SOCE Comelec, nagpaalalang muli sa pagsumite ng SOCE

Maaaring magpasa ng SOCE mula Lunes hanggang Biyernes, 8 a.m. hanggang 5 p.m. Maaari i-download ang SOCE form sa https://comelec.gov.ph/?r=CampaignFinance/SOCEBSKE2023.

Muling pinaalalahanan ng Commission on Elections (Comelec) ang mga kumandidato sa barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) nag magsumite na ng kanilang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE).

Sa isang social media post, hinikayat ng Comelec lahat ng tumakbo na ipasa na ang kanilang SOCE bago pa ang deadline sa Nobyembre 29.

“There are only six days left before the deadline of the filing of SOCEs for the BSKE 2023,” paalala ng Comelec. Dagdag pa ng Comelec, personal dapat ang pagsusumite ng SOCE sa tanggapan mismo ng Comelec kung saan nila ipinasa ang kanilang Certificate of Candidacy.

Nakasaad sa Republic Act 7166 na “Every candidate shall, within 30 days after the day of the election, file in duplicate with the offices of the Commission the full, true, and itemized statement of all contributions and expenditures in connection with the election.”

Maaaring magpasa ng SOCE mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 a.m. hanggang 5:00 p.m.

Maaari i-download ang SOCE form sa https://comelec.gov.ph/?r=CampaignFinance/SOCEBSKE2023.

BASAHIN RIN: May integridad dapat: Comelec, pinaalalahanan ang mga kandidato sa BSKE na maging tapat sa SOCE