Huling babala na ito! Mga establisyimentong hindi magbibigay ng karapatang discount sa mga senior at PWD, mananagot sa batas—Romualdez

Hindi mag-aatubili ang Kamara na gamitin ang kapangyarihan nitong magpatupad ng batas upang siguraduhin sumusunod lahat sa pagbibigay ng tamang mga benepisyo sa mga senior, PWD, at maging solo parent.

Muling pinaalalahanan ni House Speaker Martin Romualdez ang mga establisyimento na nasa batas ang tamang pagpapatupad sa pagbibigay ng discount sa mga senior citizen at persons with disability (PWD).

“We have granted these privileges to our people, and we will see to it that those covered receive them,” giit ni Romualdez sa isang pahayag nitong Huwebes, Enero 25.

BASAHIN RIN: Ningas kugon pa more! Kilalang coffee shop, aminadong mali ang pagpapatupad sa senior citizen discount

Aniya, hindi mag-aatubili ang Kamara na gamitin ang kapangyarihan nitong magpatupad ng batas upang siguraduhin sumusunod lahat sa pagbibigay ng tamang mga benepisyo sa mga senior, PWD, at maging solo parent.

“Entities that are not granting the discounts and other benefits will be exposed and compelled to comply with the laws,” sabi pa ng speaker. “We will also not hesitate to initiate prosecution”.

Una nang nagpatawag ng imbestigasyon si Romualdez sa kabila ng mga ulat na may mga establisyimentong hindi nagbibigay ng tamang diskwento.

BASAHIN RIN: Diskwento sa toll ng mga nakatatanda at PWD, ipapatupad rin sa tulong ng gobyerno