Huhulihin agad! Militar ganado sa pagtugis ng terorista

Agarang aksyon ang pangako ni Philippine Army Commanding General Lt. Gen. Roy M. Galido laban sa sinomang mapapatunayang miyembro ng teroristang grupo sa bansa.

Agarang aksyon ang pangako ni Philippine Army Commanding General Lt. Gen. Roy M. Galido laban sa sinomang mapapatunayang miyembro ng teroristang grupo sa bansa.

Ito ang pahayag ni Galido matapos mahulog sa kamay ng militar si Mryna Mabanza ngayong Huwebes sa Indanan, Sulu. Si Mabanza ay itinuturing na US Global Terrorist.

“For every terrorist that we eliminate, then, the better for our country,” pahayag ni Galido sa ulat ng SMNI News.

“Pagtulung-tulungan natin, katulad ng nakuha natin ‘yung mga bombers ng MSU (Mindanao State University). It’s a government effort, so nakuha natin sila,” dagdag pa niya. “Tulong-tulong lang naman tayo para sa bansa.”

Kumpiyansa rin ang heneral na kakaunti na lamang ang mga terorista sa loob ng bansa. Gayunman, nanawagan siya sa publiko na huwag magdalawang-isip na ituro ang sinuman na mapapatunayan nilang miyembro ng teroristang grupo.

“Very little. Pero kung may kilala kayo at alam, turo niyo lang sa ‘min. Huhulihin natin agad,” ani Galido.