Hugas ng kamay palagi!: Kaso ng typhoid, patuloy na dumarami — DOH

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 13,216 na typhoid cases sa unang walong buwan ng 2023, na di hamak na mas mataas sa 9,336 na naitala noong 2022.

Pinag-iingat ng Department of Health (DOH) ang publiko matapos makapagtala ng pataas na bilang sa kaso ng typhoid fever sa bansa.

Ayon sa pinakahuling disease surveillance report ng kagawaran, 13,216 na kaso ng typhoid ang naitala na sa huling walong buwan ng 2023, mula Enero 1 hanggang Agosto 12. Ito ay mas mataas ng 42 porsiyento sa mga 9,336 kaso na naitala sa parehong panahon noong 2022.

Pinakamaraming kaso ang naitala sa Cordillera Administrative Region (2,244). Sumunod naman ang Northern Mindanao (1,538) at Central Visayas (1,038).

Samantala, nagtala ang Central Luzon nang pinakamalaking pagrami ng typhoid cases matapos itong magtala ng 697 na kaso ngayong taon kumpara sa 237 noong nakaraang taon—o katumbas ng 194 porsiyentong pagtaas.

Ayon naman sa datos mula sa DOH Epidemiology Bureau, mayroon ng 47 na namatay dahil sa typhoid, na mas mataas rin sa 43 na naitala noong nakaraang taon.

Nakukuha ang sakit mula sa bacterium na tinatawag na Salmonella typhi at kumalakat gawa ng kontaminadong pagkain o tubig, paliwanag ng DOH