Hugas kamay? Duterte di maalala paglipat P47.6-B pondo sa PS-DBM

"Maybe, what I said is, 'go ahead'."

“Maybe, what I said is, ‘go ahead’.”

Ito ang sinabi ni dating pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng paglantad ni dating Health Secretary Francisco Duque III na inaprubahan niya raw ang paglilipat ng P47.6 bilyong COVID-19 pondo ng DOH sa Procurement Service of the Department of Budget and Management (PS-DBM).

Aniya, wala raw siyang natatandaang may inutos siya na gano’n kay Duque mas lalo na’t malaking pera ang nagamit sa nasabing transaksyon.

“I could not recall, for the life of me. Maybe what you are saying is true,” saad ni Duterte sa harap ng midya nitong Martes sa Davao City.

“Considering the huge amount of (fund) transfer, I would have insisted as a lawyer to put it in a memo or something,” dagdag niya.

Bagaman hindi natatandaan ng pangulo ang “lahat,” umamin din si Duterte na baka nga ay may go-signal niya ang paglilipat ng pondo.

“I ordered everybody to do everything they can do,” sabi niya.

Matatandaang nilaglag ni Duque ang dating presidente sa pagharap nito sa hearing ng House Committee on Appropriations nitong Lunes hinggil sa performance at budget ng DOH noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.