Hubad muna bago dalaw? 7 opisyal ng BuCor sinuspinde

Pitong opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) ang sinuspinde matapos magreklamo ang ilang bumibisita sa New Bilibid Prison (NBP) na 'di na makatao ang kanilang pagsasagawa ng body search.

Pitong opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) ang sinuspinde matapos magreklamo ang ilang bumibisita sa New Bilibid Prison (NBP) na ‘di na makatao ang kanilang pagsasagawa ng body search.

Ayon sa pahayag ng grupong Kapatid, ang mga nagreklamo ay mga kaanak ng mga political prisoner sa bilibid. Batay sa mga nakalap nilang reklamo, pinaghuhubad ng mga opisyal ng BuCor ang lahat ng suot ng mga bibisita. Bukod pa rito, habang hubod-hubad ay pinag-iisquat pa raw ang mga ito.

Nagsampa na rin umano ng reklamo sa Commission on Human Rights ang mga kaanak ng mga political prisoner.

Samantala, itinalaga muna sa “attached or unassigned” ang mga suspendidong opisyal ng BuCor.

Paliwanag naman ni BuCor senior inspector Abel Ciruela, ang mga bumibisita sa bilibid ay pumipirma ng waiver kung saan pumapayag sila sa frisk/pat, rub, strip o visual cavity search bago makadalaw sa kanilang mga kaanak na bilanggo.

Ito raw ay upang makontra ang pagpapasok ng mga kontrabando sa kulungan.