HPG tututukan ‘escort for hire’ para makaiwas traffic

Iimbestigahan ng Philippine National Police Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang isang viral na post sa social media kung saan inilahad na nag-hire umano ng HPG escort ang asawa ng uploader para makaiwas sa trapiko.

Iimbestigahan ng Philippine National Police Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang isang viral na post sa social media kung saan inilahad na nag-hire umano ng HPG escort ang asawa ng uploader para makaiwas sa trapiko.

Sa isang nag trending na Instagram story, ibinahagi ni Mary Joy Santiago ang litrato ng kung saan makikitang isang HPG officer ang nag- escort sa sinasakyan nya kaakibat ang caption ng papasalamat sa kanyang asawa dahil diumano’y sa “pag-hire” nito ng HPG escort.

Sa isang pahayag nitong Biyernes, binigyang-diin ng HPG na hindi nila tinatanggap o kinukunsinti ang anumang uri ng “involvement in, or endorsement of, escort-for-hire services.”

Ipinunto ng grupo na isasagawa na nila ang imbestigasyon upang matukoy ang katotohanan at pagkakamalang nauugnay sa isyung ito.

“Such activities are strictly against our existing protocols and regulations,” saad ng HPG sa kanilang pahayag.

Dagdag pa nila, ang mga tauhang mapatutunayang lumabag sa kanilang mga protocol ay maaaring maharap sa posibleng criminal at administrative cases.

“We assure the public that a thorough and transparent investigation process is underway maintaining the rule of law,” pagpapatuloy ng HPG.

Ipapatupad din ng HPG ang mga kaukulang cybercrime-related na kaso laban sa mga magpapakalat ng mapanirang impormasyon laban sa kanilang organisasyon.