‘House of the People’: Visayan bloc, suportado ang dekalibreng pamumuno ni Speaker Romualdez

Umaning muli ng suporta si House Speaker Martin Romualdez sa kabila ng mga tirada sa kaniya ni dating pangulong Rodrigo Duterte. Ito ay patunay lamang na marami ang naniniwala sa liderato ni Romualdez.

Ipinaabot ng 34 mambabatas mula sa Visayas ang kanilang suporta kay House Speaker Martin Romualdez sa pamamagitan ng pagpirma sa “manifesto of support.”

Ito ay sa gitna ng mga batikos at patutsada ni dating pangulo Rodrigo Duterte, na pilit dinu-dungisan ang pangalan ni Romualdez at ang kredibilidad ng House of Representatives.

“We, the Visayan bloc, would like to express our unwavering and resolute support for the esteemed Speaker from the Visayas, Speaker Romualdez,” sabi ng unang talata ng naturang manifesto of support.

“Under his leadership, the House has passed significant measures towards promoting social justice, economic development, and environmental stability,” dagdag pa ng dokumento, kung saan isa si Leyte Rep. Richard Gomez sa mga pumirma.

Matatandaang una nang nagpahayag ng suporta kay Romualdez ang Cebu bloc at mga mambabatas ng Bohol dahil sa “dynamic” at “transparent” na pamumuno niya.

“We reaffirm our belief that the Speaker has led the ‘House of the People’ with the principles of integrity, unity, transparency, and strict adherence to the law, including adherence to COA (Commission on Audit) audits,” saad pa ng manifesto.

Kabilang sa mga pumirma ay sina Negros Occidental Rep. Francisco Benitez, Aklan Reps. Carlito Marquez at Teodorico Haresco, at Negros Oriental Rep. Jocelyn Limkaichong.