House minority bloc aprub sa aksyon ni PBBM laban sa inflation

Pinuri ng House minority bloc si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pag-aksyon nito para sumabay ang ayuda sa mga mahihirap sa inflation rate.

Pinuri ng House minority bloc si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pag-aksyon nito para sumabay ang ayuda sa mga mahihirap sa inflation rate.

Ayon kay House Minority Leader Marcelino ‘Nonoy’ Libanan, ang ginawa ni Marcos para i-adjust ang cash assistance sa mga beneficiary ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ay consistent sa kanilang rekomendasyon.

“The President’s order is consistent with our recommendation to increase the cash grants to 4Ps household beneficiaries periodically at a rate that is at least equal to the average annual inflation rate,” lahad ni Libanan.

“The buying power of the cash subsidies has been eroded by sustained commodity price increases, and the only way to rectify the devaluation is to raise the amount of money being given to household beneficiaries,” aniya pa.

Naghain ng resolusyon sa Kamara sina Libanan at kapwa niya 4Ps representative Jonathan Clement Abalos II na magpapataas ng ayuda sa mga benepisyaryo para makasabay sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.