Hot air balloon festival magdadagdag trabaho sa Bicol – Co

Inaasahan ni Ako Bicol Rep Zaldy Co na dadami ang magkakaroon ng hanap buhay sa Bicol matapos ang naging matagumpay na Bicol Loco Hot Air Balloon and Music Festival.

Inaasahan ni Ako Bicol Rep Zaldy Co na dadami ang magkakaroon ng hanap buhay sa Bicol matapos ang naging matagumpay na Bicol Loco Hot Air Balloon and Music Festival.

Sa Facebook post, ipinakita ni Co ang naging hakbang para maisagawa nang maayos ang naturang proyekto.

Aniya, layon kasi nito na maipagmalaki ang kagandahan ng naturang rehiyon, lalo na ang kanilang ipinagmamalaking Mayon Volcano.

“Exclusive look BTS sa planning ng Bicol Loco! This is where it all started. We were inspired by Cappadocia to begin this festival. The goal was not just to bring joy to Bicolanos. It was also to showcase the highly underrated tourist spots in Bicol. What better way para makita ang ganda ng region than hot air balloons?” caption ni Co sa post.

Bukod pa riyan ay isa ang event na ‘to sa kanilang inaasahang magdadala ng mas maraming trabaho sa mga taga-Bicol sa larangan ng global tourism.

Kaya naman, labis ang pasasalamat ni Co kay House Speaker Martin Romualdez na siyang katuwang para sa festival.

“The goal really is more than a showcase – it is to create jobs by putting Bicol on the map for global tourism. I’m really pleased with its success, which would not have been possible without the support of Speaker Martin, my fellow public servants and partners in this event,” dagdag pa nito.

PANOORIN: