Hot air balloon festival dadayuhin sa Bicol!

Tuloy na tuloy na ang kauna-unahang Bicol Loco Hot Air Balloon Festival sa Old Legazpi Airport.

Tuloy na tuloy na ang kauna-unahang Bicol Loco Hot Air Balloon Festival sa Old Legazpi Airport.

Ayon kay Ako Bicol Party-List Rep. Elizaldy Co, ang naturang festival ay hindi lang para magbigay kasiyahan sa publiko, kundi para rin palakasin ang turismo sa rehiyon.

“The Bicol Loco Festival is not just a celebration of our rich culture and the breathtaking sights of our region, like the Mayon Volcano. It’s also a pivotal platform for job creation, aimed at bolstering our local economy through tourism,” ayon kay Co.

Aniya, ang hot air balloon festival ay naglalayong ibida ang kagandahan ng Bicol.

Gaganapin sa May 3 hanggang 5 ang Bicol Loco Hot Air Balloon Festival, kung saan ilan sa mga event ay hot air balloon display, skydiving at aerobatics.

Dudumugin din ng big stars ang event dahil sa pag-perform nina Sarah Geronimo, Bamboo at Ely Buendia.