Hontiveros sa pag-usad ng divorce bill sa Kamara: SANA ALL!

"Sana all!"

“Sana all!”

Ito ang naging reaksyon ni Senator Risa Hontiveros nang lumusot para sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang pagsasabatas ng Absolute Divorce Act o House Bill No. 9348 nitong Miyerkules.

Sa kanyang panayam kahapon, nangako si Senator Hontiveros na handa niyang sundan ang naging yapak ng Kamara at ipaglaban ang kanyang bersyon ng panukala sa Senado sa kabila ng kinakaharap na isyu ng divorce bill.

Aniya, “Panahon na [para] bigyan ng second chance sa pag-ibig at buhay ang mga Pilipinong babae, lalaki, bata, at pamilyang nangangailangan nito.”

Hanggang sa ngayon, hinihintay pa ring pagdebatihan sa plenaryo ng Senado ang counterpart bill ng senadora.

“I do hope my colleagues can support this important measure,” dagdag niya.

Si Senator Hontiveros ang chairwoman ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality, at ang pangunahing tagapag-sulat ng nasabing divorce bill.