Hontiveros pinalagan China: ‘Wag pakialamanan WPS!

Inalmahan ni Senador Risa Hontiveros ang bagong polisiya ng China kung saan sinabi nilang huhulihin nila ang mga 'di umano'y “trespasser” sa West Philippine Sea (WPS).

Inalmahan ni Senador Risa Hontiveros ang bagong polisiya ng China kung saan sinabi nilang huhulihin nila ang mga ‘di umano’y “trespasser” sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kasi sa pahayag ng China Coast Guard (CCG), lahat ng papasok sa South China Sea ay kanilang aarestuhin base sa kanilang bagong polisiya.

“China’s new policy only affirms her emerging reputation as a rogue nation,” saad ni Hontiveros.

Dahil sa aksyon na ito ng China, maaari umanong idemanda muli ng Pilipinas ang naturang bansa sa Hague Tribunal.

“The Atin Ito civilian mission – a rightful and peaceful show of solidarity – clearly hit a nerve for China. But instead of responding like a dignified country, she resorts to this tyrannical tactic that will only escalate tensions even further,” wika ng senadora.

“China better abrogate this shameless policy. China better stop inciting violence in our waters. China better leave the West Philippine Sea alone,” dagdag pa nito.

Matatandaang una nang pinaboran ng international arbitral tribunal ruling ang Pilipinas laban sa China na nang-aangkin sa mayorya ng South China Sea noong 2016.