Hontiveros kay Zubiri: Arrest order kay Quiboloy ilabas na

Hindi papaawat si Senadora Risa Hontiveros hangga't hindi nagpapakita sa Senado si Pastor Apollo Quiboloy.

Hindi papaawat si Senadora Risa Hontiveros hangga’t hindi nagpapakita sa Senado si Pastor Apollo Quiboloy.

Sa press conference ng mambabatas nitong Lunes, giniit nito na hindi katanggap-tanggap ang naging tugon ni Quiboloy sa kanyang inilabas na show-cause order.

Sa interview sa abogado ni Quiboloy na si Atty. Elvis Balayan, sinabi nito na ‘useless’ kung sumipot ang pastor sa pagdinig sa Senado dahil tila hinahatulan na umanong guilty ang Kingdom of Jesus Christ leader.

Giit ni Hontiveros, ang pagdedma ni Quiboloy sa Senate hearing ay pagpapakita ng kawalang respeto ng pastor sa kanilang institusyon.

Kaya naman hinimok nito si Senate President Miguel Zubiri na ilabas na ang arrest order para sa kontrobersyal na pastor.

“Once again, I request for the Senate President to issue an arrest order against Apollo Quiboloy,” saad ni Hontiveros.

“He must show up. He must respect the institution of the Senate. Sa mga kasamahan ko sa Senado, huwag nating hayaan maliitin niya ang ating iniingatang institusyon,” aniya pa.