Hontiveros kay Alice Guo: ‘Wag kang drama queen!

Nagbanta si Senator Risa Hontiveros kay suspended Bamban Mayor Alice Guo sa patuloy na hindi pakikipag-tulunga nito sa imbestigasyon sa ilegal na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa bansa.

Nagbanta si Senator Risa Hontiveros kay suspended Bamban Mayor Alice Guo sa patuloy na hindi pakikipag-tulunga nito sa imbestigasyon sa ilegal na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa bansa.

Aniya, mag-iisyu ng arrest order ang Senado kung totohanin ng mayora ang sinabi nito sa liham na pinadala na hindi siya muling makakadalo sa pagdinig ng Senate Committee on Women, Children Family Relations and Gender Equality sa August 10.

“If she doesn’t honor the subpoena, the Senate is well within its rights to issue an arrest order. Dumalo nalang siya sa hearing sa Miyerkules para wala nang drama,” sabi ni Hontiveros sa isang statement.

“Mayor Alice Guo, the truth will give you peace of mind,” dagdag niya.

Kamakailan ay sinabi ng kampo ni Guo na “trauma” di umano ang alkalde sa mga naunang hearing na dinaluhan sa Senado kaya naman di muna ito makakasipot sa mga susunod na pagdinig.

Hindi naman tumalab kay Hontiveros ang pagpapa-victim ni Guo at iginiit na hindi dapat gawing rason ng mayora ang kanyang mental health upang takasan ang mga paglabag sa batas.

“Mental health is important but she cannot invoke it to escape accountability, lalo na na public servant siya. She dug her own grave. We merely asked basic questions that any upright human being could answer. Ngayong na wala na siyang lusot, nagpapa-victim siya,” saad pa ni Hontiveros.