Hontiveros isinusulong warrant of arrest vs Quiboloy

Nakatakdang humiling si Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros kay Senate President Juan Miguel Zubiri na maglabas ng warrant of arrest laban kay Pastor Apollo Quiboloy.

Nakatakdang humiling si Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros kay Senate President Juan Miguel Zubiri na maglabas ng warrant of arrest laban kay Pastor Apollo Quiboloy.

Ayon sa Senadora, humihiling ang kampo ni Quiboloy na resolbahin ang show cause order sa pamamagitan ng isang plenary hearing sa Senado.

Subalit ayon kay Hontiveros, wala naman umano sa Senate Rules ang show cause order, ito ay kagandahang-loob lamang na ibinigay para kay Sen. Robin Padilla sa kahilingan ni Zubiri.

“Sa totoo lang, wala nga sa [Senate] Rules ang show cause order l. It was a courtesy extended to Sen. Robin, at the request of the SP,” pahayag nito.

“Kung wala nga sa Rules ang show cause order, much less wala sa Rules na kailangan ng hearing in plenary to resolve the show cause order,” dagdag pa nito.