Hontiveros imbyerna kay Guo; kwento ng mayora, puro butas?

Tila napatid na ang pisi ni Senator Risa Hontiveros sa paiba-ibang istorya ni Bamban Mayor Alice Guo sa tanong kung sino ang kanyang mga magulang, sa mga pagmamay-aring negosyo, at koneksyon sa POGO.

Tila napatid na ang pisi ni Senator Risa Hontiveros sa paiba-ibang istorya ni Bamban Mayor Alice Guo sa tanong kung sino ang kanyang mga magulang, sa mga pagmamay-aring negosyo, at koneksyon sa POGO.

Ayon kay Hontiveros, sumakit ang ulo niya sa mga kwento ni Guo dahil matapos ang TV interview nito ukol sa totoong ina, ngayon naman ay pinabulaanan ng PSA ang birth at marriage records ng mga magulang ng mayora.

“Kayo lang ang nakilala kong tao na hindi daw kilala ang kapatid, pero magkasama sa travel abroad. Nakikipag-partner sa milyun-milyong pisong negosyo na di kilala ang kasosyo. Humihiram ng kotse, pero di alam ang pangalan ng hiniraman. Nagbenta ng chopper at may utang pa sa inyo, pero di kilala ang pangalan ng sisingilin,” sabi ni Hontiveros sa kanyang Facebook post.

Itinaggi ni Guo na siya ay Chinese spy at inulit na siya ay simpleng mamamayang Pilipino lamang ngunit lumalabas sa kanyang SALN ang mga milyones na ari-arian at mga negosyong konektado sa POGO.