Hontiveros gusto kanselahin passport ni Quiboloy

Nananawagan si Senadora Risa Hontiveros na mapawalang-bisa ang passport ni Pastor Apollo Quiboloy para hindi ito makapangibang bansa.

Nananawagan si Senadora Risa Hontiveros na mapawalang-bisa ang passport ni Pastor Apollo Quiboloy para hindi ito makapangibang bansa.

Ayon kay Hontiveros, iniinsulto umano ni Quiboloy ang kakayahan ng gobyerno na matunton ang kanyang pinagtataguan.

Kaya aniya, dapat lang na paliitin ang mundo ni Quiboloy.

“Imbes na magpakita sa Senado o sa mga korte, panay record ng audio message na tila nang-iinsulto pa sa kakayanan ng gubyerno na matuntun siya,” saad ni Hontiveros.

“This is appalling. This should not be allowed to pass, but only challenge government more to exhaust all means to restrict his movements,” aniya pa.

Wanted pa rin si Quiboloy dahil sa mga warrant of arrest na sinilbi ng Davao court dahil sa kasong sexual abuse.

Naniniwala naman si Hontiveros na mahuhuli rin si Quiboloy katulad ng nangyari sa dating kongresista na si Arnolfo Teves Jr. na suspect sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

“Kung ang puganteng Kongresista ay nahuli, sana naman maaresto din ang puganteng religious leader. Maliit ang mundo. Hindi niya matatakasan ang batas habambuhay,” saad ng mambabatas.