Homeschooled daw? School records ni Alice Guo nilabas ni Gatchalian

Kinontra ng mga iprinesentang school records ni Senator Win Gatchalian sa nagpapatuloy na pag dinig ng Senado patungkol sa POGO, ang naunang pahayag ni suspended Bamban Mayor Alice Guo na home-schooled lang sya ni teacher Rubilyn.

“Hindi siya (Alice Guo) home-schooled ni Rubilyn. Nag-aral ho talaga siya.”

Batay sa ipinakitang school records, nakapag aral daw si Guo sa Grace Christian High School mula Grade 1 hanggang Grade 3.

Ipinakita rin ng senador ang naka attach na alien certificate of registration at birth certificate ng alkalde sa kanyang enrollment document noon, na match daw sa alien certificate of registration na hawak ng Bureau of Immigration.

“Pag nag e-enroll ka, ia-attach mo yung alien certificate of registration mo, at lumalabas yung alien certificate of registration nya, match doon sa alien certificate of registration na hawak ng Bureau of Immigration” ayon pa kay Gatchalian.

“And in that enrollment document, interestingly meron ring birth certificate galing sa China, in Chinese at trinanslate sa English, so nakasulat dito ang father nya si Guo Jian Zhong at ang mother nya si Wenyi Lin.”