Home safe na: 13 Pilipino at mga pamilya nila, nakauwi na mula Gaza

Sa kabuuan ay 102 Pilipino na mula Gaza ang nakauwi sa bansa.

Nakauwi na sa Pilipinas ang ikaapat na grupo ng mga Pilipino na gustong lumikas mula sa Gaza Strip dahil sa karahasan dulot ng away ng Israel at Hamas.

Ang grupong ito ay binubuo ng 13 Pilipino at mga pamilya nila. Dumating sila sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 nitong Miyerkules ng hapon sakay ng eroplanong mula sa Qatar Airways.

“The repatriation operation was in coordination with the Philippine Embassy in Jordan and Philippine Embassy in Israel. The Philippine Embassy also expresses appreciation to the Egyptian Ministry of Foreign Affairs for its assistance in the entry of Filipinos into Egypt through the Rafah border,” paliwanag ng Philippine Embassy sa Egypt sa isang post sa Facebook.

Sa kabuuan ay 102 Pilipino na mula Gaza ang nakauwi sa bansa.