Hokus-pokus sa modernisasyon? Tukuyin kung may korapsyon sa PUV modernization program — Romualdez

Hinimok ni Speaker Martin Romualdez ang House Committee on Transportation na magsagawa ng motu propio investigation sa mga napapabalitang "corrupt practices” sa likod ng pagpaplano at pagpapatupad ng nasabing programa.

Sinabi ni House Speaker Martin Romualdez na aatasan niya ang House of Representatives na imbestigahan ang mga alegasyong may korapsyon sa likod ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

“The reports allege that existing transport officials are in cahoots with previous officials in negotiating for the imported modern jeepney units that will replace the old units,” saad ni Romualdez sa isang pahayag nitong Huwebes, Enero 5.

Kanya naman hinimok niya ang House Committee on Transportation na magsagawa ng motu propio investigation sa mga napapabalitang “corrupt practices” sa likod ng pagpaplano at pagpapatupad ng nasabing programa.

Kasabay nito ay hinikayat naman ni Romualdez ang Department of Transportation (DOTr) na busisiin muli ang PUVMP at palawigin ang implementasyon nito upang hindi maapektuhan ang kabuhayan ng maraming tsuper.

Giit niya, hindi dapat modernisasyon lamang ng sasakyan ang layunin ng programa.

“The jeepney modernization program is not just about upgrading vehicles; it’s a comprehensive plan to rejuvenate our urban transportation landscape, making it safer, more reliable, and in tune with sustainable practices,” aniya.