Hoarders, price manipulators babantayan ngayong La Niña!

Muling nagbanta si Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na tutugisin ng gobyerno ang sinumang ilegal na mag-iimbak at mananamantala sa presyo ng mga bilihin sa papalapit na La Niña.

Muling nagbanta si Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na tutugisin ng gobyerno ang sinumang ilegal na mag-iimbak at mananamantala sa presyo ng mga bilihin sa papalapit na La Niña.

Inaasahang magdudulot kasi ng pinsala ang La Niña sa agrikultura na magpapaantala sa suplay at transportasyon ng mga kalakal na gagamitin naman ng mga mapansamantalang tao upang taasan ang presyo ng mga bilihin.

Ayon kay Teodoro, paiigtingin ng task force ang pagmanman sa mga gagawa nito at handang tulungan ang Department of Trade and Industry (DTI) and Department of Agriculture (DA) na panatilihing maayos ang suplay at presyo.

“Access to affordable basic commodities such as rice is exceptionally crucial to millions of Filipino consumers. Any sudden fluctuation in the price of rice resonates on the daily lives of Filipinos,” sabi ni Teodoro.

Matatandaang si Teodoro rin ang chairman ng Task Force El Niño ng gobyerno.