Hiwalayan szn! Kim Chiu, kinumpirmang break na sila ni Xian Lim

Year of the breakup nga talaga siguro ang 2023, na magtatapos sa pag-amin ng aktres na si Kim Chiu na wala na sila ng aktor na si Xian Lim. Ang pasabog niya, "sometimes, love is not enough."

Kinumpirma na mismo ni Kim Chiu na hiwalay na sila ni Xian Lim, na kasintahan niya nang higit 12 taon.

Sa isang post sa Facebook, sinabi ng aktres na utang nila sa mga fans ang katotohanan, ngunit minarapat niya munang manahimik bilang respeto sa “healing” ng bawat isa.

Sinabi rin niya hindi laging sapat ang pagmamahalan sa isang relasyon.

“We owe our supporters the truth, but we also respect each other’s time of healing. In a relationship, love is always a significant factor, but sometimes love is not enough,” sambit ni Chiu.

BASAHIN RINPahabol na pasabog sa 2023! Xian Lim, binura na sa YouTube channel ang mga vlogs nila ni Kim Chiu

Bagaman hiwalay na, umaasa naman si Chiu na mananatili silang magkaibigan ni Lim.

“We shared more than a decade of love, each other’s support system, and many beautiful memories. It was our mutual decision to transition our relationship into what we hope to be a lifelong friendship,” aniya.

Pinasalamatan rin ng dalaga ang kanilang mga tagahanga at humiling ng respeto at privacy.

“We thank all our followers for their love and support, but now we ask you to appreciate our honesty and give us the privacy we need as we begin new chapters of our lives…” dagdag niya. “As we close this chapter of our lives, I am asking for everyone’s kindness and respect. I hope this clears everything as we all move forward with our lives.”

BASAHIN RIN: 2-0 kaya si Mama Ogz dito? Hiwalayang Kim Chiu at Xian Lim, kumpirmado na daw!