Hiwalay na? Catriona Gray binura engagement pic kay Sam Milby

Burado na sa social media account ni Catriona Gray ang engagement picture nila ni Sam Milby.

Burado na sa social media account ni Catriona Gray ang engagement picture nila ni Sam Milby.

Napansin ng mga netizen na wala na sa Instagram page ni Catriona ang pag-anunsyo ng engagement nila ng aktor na ipinost noon pang February 2023.

Makikita sa post ang tasa na may nakasulat na ‘Mr. Milby’ at ‘Future Mrs. Milby’.

May caption din si Catriona na tinawag na ‘fiance’ si Sam.

“Living in an answered prayer with my best friend. I love you, fiancè,” saad ni Gray.

Matatandaan na kinumpirma dati ng management nina Sam at Catriona na may pinagdadaanan ang celebrity couple.

“While it is true that Sam and Catriona are currently facing some challenges in their relationship, they are actively working to resolve these issues together,” ayon sa dating statement ng Cornerstone Entertainment.