Hirit ng mga netizen: Zubiri ginawang ‘circus’ Senado

Aprub sa mga netizens ang ginawang pagbaba sa pwesto ni dating Senate President Juan Miguel Zubiri sa gitna ng iba't ibang isyu sa Senado.

Aprub sa mga netizens ang ginawang pagbaba sa pwesto ni dating Senate President Juan Miguel Zubiri sa gitna ng iba’t ibang isyu sa Senado.

Saad ni @PingPing sa X (dating Twitter), nawalan ng tiwala ang ibang senador kay Zubiri. Nagmistulan din umanong ‘circus’ ang Senado sa kanyang panunungkulan bilang Senate President.

Isa pa sa himutok ng netizen ay ang pagpapalusot ng hearing na nanggaling lang sa akusasyon ng isang fake news blogger.

Giit pa ng isang netizen, tila nagtrabaho umano si Zubiri para protektahan ang ibang personalidad na dapat ay para sa taumbayan.

“You did not want to work for the people instead you choose to politicize everything to please someone to whom you have committed your loyalty. It is just right that you are replaced. It is We who put you there, it is We you shall serve,” sabi ni @potenciano_vida sa X.

Dagdag rin ni Jamie Yan, “Sitting on the fence leads to no concrete and relevant decisions or actions made! In short, you were ousted and hence, ousted! Good for the senate!”

Hinamon din ng mga netizens si Zubiri na pangalanan ang tinutukoy niya sa kanyang sinabi na, “I failed to follow instructions from the powers that be.”

Sabi ni Thea Tan, “You’re planting a suggestion in the minds of the people. Tapos, later on, when pressed to expound on what you said, sasabihin mong wala kang pinapatamaan.”

“If you colleagues wanted you to go, that says a lot what they think of you as the senate president,” dagdag nito.

Bumaba bilang senate president si Zubiri nitong Lunes, na pinalitan naman ni Senator Chiz Escudero.