Hipak pa more! DTI nakumpiska higit P25M halaga ng vape

Nasamsam ng pamahalaan ang mahigit P25 milyong halaga ng mga ilegal na vape products mula Enero hanggang Mayo 2024.

Nasamsam ng pamahalaan ang mahigit P25 milyong halaga ng mga ilegal na vape products mula Enero hanggang Mayo 2024.

Ayon sa pahayag ng Department of Trade and Industry (DTI), mas malaki umano ang halaga ng nakumpiska ngayon, kaysa sa P5,453,852 nakuha noong 2023.

Karamihan sa mga vape products ay lumabag sa Rule 6, Section 1(j), na mahigpit na nagbabawal sa pagbebenta ng mga vape products na nakabalot, may label, ipinapakita, at ina-advertise gamit ang mga flavor descriptors o cartoon characters na kaakit-akit sa mga menor de edad.

Dahil dito, sinabi ni Trade Secretary Alfredo Pascual na mas lalo pa nilang paiigtingin ang pagpapatupad sa Republic Act (RA) 11900 o Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act.

“Nearly halfway through the year, the significant rise in confiscated illegal vapes demonstrates our unwavering commitment to safeguard Filipino consumers, especially our youth. These results showcase our intensified efforts and we will not stop here,” ani Pascual.

“We will continue to pursue these illegal activities, working closely with other agencies and stakeholders. Our aim is nothing less than the complete eradication of the illegal vape trade, fostering a healthier environment for Filipino businesses and consumers,” dagdag pa nito.

Samantala, mula nang ipatupad ang Vape Law noong 2022, nakumpiska ng DTI ang 67,010 vape units mula sa iba’t ibang brand na nagkakahalaga ng P31,328,027.